PMISD Connect Parokya ni Maria Ina ng Sambayanan ng mga Dukha

Sign in to see your requests, payments and claim QR.

Our Parish • Since 1993

Faith remembered. Community carried forward.

Discover the story of Parokya ni Maria Ina ng Sambayanan ng mga Dukha, the clergy who became part of that history, and the MSK communities that continue parish life today.

Faith • Service • Communion Parokya ni Maria Ina ng Sambayanan ng mga Dukha

Pag-aalay

Ang Parokya ni Maria, Ina ng Sambayanan ng mga Dukha sa Quirino, Prelature ng Infanta, ay nag-lisa sa Pilipinas maging sa buong mundo sa ngayon. Kaya ang paggawa ng munting kasaysayan nito ay nakikita naming napakahalaga upang mapalago ang pagkilala at debosyon sa ating Mahal na Ina na nagbibigay ng pangangalaga at pag-asa sa lahat ng mga lumalapit sa kanya.
Kung kaya, sa pagdiriwang ng Pastoral na Pagdalaw ng aming Obispo ng Prelatura ng Infanta, Lubhang Kagalang-galang Dave Dean Capucao, D.D. sa aming Parokya ay aming iniaalay ang payak na handog na ito.
Sa aming Ina, na siyang aming modelo ng pagmamahal at paglilingkod sa kapwa ay aming idinadalangin ang patuloy na paggabay sa aming sambayanan, simbahan at sa aming mga MSK patungo kay Jesus, na Siyang bukal ng biyaya, habag at awa.
"Magsilapit nga tayong may pagkakatiwala sa luklukan ng biyaya, upang tayo'y magsipagtamong awa, at mangakasumpong ng biyaya upang tumulong sa atin sa panahon ng pangangailangan." - Hebreo
4:16

Rev. Fr. Arnel Riofrio, FLP
Kura Paroko
Hunyo, 21, 2026

ANG KAHULUGANG NG IMAHE NI MARIA INA NG SAMBAYANAN NG MGA DUKHA
Introduction

ANG KAHULUGANG NG IMAHE NI MARIA INA NG SAMBAYANAN NG MGA DUKHA

- Siya ay kinatawan ng sangkatauhan at kababaihan.
- Minsan pa dahil kay
Maria ay nabigyang puwang ang babaeng katangin ng Diyos.
- Pagpapakita na si
Maria ay ideal na tao at hindi lang ideal na babae.

PALIWANAG SA KASALUKUYANG LARAWAN NI MARIA

PALIWANAG SA KASALUKUYANG LARAWAN NI MARIA

Larawan ni Maria:
-ay hango sa pangkaraniwang larawan ng Pilipinaang kanyang ilong, bugis ng
mukha, at kulay ng balat ay kaanyuan ng isang simpleng Pilipina.
- Ito ay iginuhit batay sa karanasan, kasaysayan at pang-unawa ng mga taong may natatanging kaugnayan sa kanya.
-Larawan siya ng isang Inang kumakalinga sa sambayanan.
- Sa kanyang mukha ay mababanaagan ang isang babse na may paninindigan at sariling pagtanaw sa buhay.
Kasuotan ni Maria:
• Si Maria ay malapit sa bawat isa sa atin kaya isinasaalang-alang ang uri ng pananamit ng karaniwang babae dito.
- Bukod sa kimona ang mga kababaihan ay madalas na nakasuot ng pantalon sa ilalim ng tapis-isang payak ua pananamil lalo na ng mga magbubukid
- Ito'y larawan ng isang babaeng masipag hindi lamang sa bahay upang maiangat ang kanilang kalagayan sa buhay.

Ang Puso ni Maria:
- Hawak ni Maria ang kanyang puso na nagbibigay liwanag sa atin.
- Ang puso ni Maria ay salamin ng kanyang kalooban at pagkatao.
- Ang pusong ito ay nakasentro kay Hesus.
- Ang puso ni Maria na nasa labas ng kanyang dibdib ay nagpapahiwatig sa kanyang kinabukasan sa anumang kaloob ng Diyos.
- Siya ay itinuring ng Prelatura ng Infanta na huwaran sa pagsunod sa Yapak ng Panginoon.

Ina ng Sambayanan ng mga Dukha:

- Bilang ina ng sambayanan ng mga dukha kinalong ni Maria sa kanyang dibdib ang sambayanang ito bilang tanda ng kanyang pagmamahal
- Binubuo ang Sambayanang ito ng mga katutubo, mga magsasaka, mga mangingisda, mga manggagawa, mga kababaihan at mga kabataan.

Ang bahag-hari:
- Ito ay sagisag ng tipan ng Diyos sa tao.
- Matapos pabahain ng Diyos ang daigdig upang lipulin ang mga tao sumikat ang bahag-hari
- At nangako ang Diyos kay Noah na kailanman ay hindi niya muling lilipulin ang mga tao sa pamamagitan ng mgn baha.
- Para sa Prelatura, ang bahag-hari ay naging makasaysayang sagisag ng patuloy na paggabay ng Panginoon sa kanya.

Ang Dalawang Ilog:
- Ang dalawang ilog ay sumasagisng ng dalawang kasaysayan.
1.) Ang kasaysayan ng Diyos
2.) Ang kasaysayan ng Sangkatauhan.
- Silang dalawa ang pinag-ugnay ng bahag-hari, ang sagisag ng tipan ng Diyos at sangkatauhan.

Ang Papel ni Maria:
- Sinang-ayunan ni Maria ang panyaya ng Diyos na siya'y maging ina ng bugtong na Anak ng Diyos.
- Dahil dito ang anak ng Diyos ay nagkatawang tao. Ang Diyos at ang tao ay naging lisa.
- Ang bunga nito ay ang kasaysayan ng kaligtasan.
- Kaya ang dalawang ilog pagdaan kay Maria ay naging lisa.

Ang Buwaya:
- Sila' y sumasagisag sa kasakiman at katakawan ng mundo
- Siya'y inaapakan ni Maria ayon sa pasya ng Diyos na tagapagligtas.
- Nakanganga ang buwaya upang ipakita ang katangian niya
• Kasakiman at katakawan
- Mailalarawan din ang masidhing pagnanais na maghiganti kay Maria at kay Hesus.

Ang Kalikasan:
Ang mga sagisag na ito ay nasa paligid ni Maria
• Ang gintong pera, gintong tasa, amis, korona at laurel. Sila'y ang kayamanan, kapangyarihan at katanyagan: mga nagsasalungat sa paghahari ng Diyos
- Dahil sa pagsang-ayon ni Maria sa kalooban ng Diyos, nagsimula ng basagin ang mga ito ni Jesus na tagapagligtas, ang anak ni Maria.

Profile

PAROKYA NI MARIA, INA NG SAMBAYANAN NG MGA DUKHA NG QUIRINO,

itinatag bilang parokya noong ika-8 ng Setyembre, 1996

VISION

BILANG ISANG SAMBAYANAN NG DIYOS, TAYO AY TINATAMAG AT MAY MITHIN NA MAMUHAY BILANG MGA BANAL NA MGA BINYAGAN SA GABAY AT PATNUBAY NG ATING MAHAL NA INANG SI MARIA. NAIS NATING TUMU-GON SA PAGBUBUKLOD AT PAGBUBUO NG MGA MUNTING SAMBAYANANG KRISTIYANO. TAYO AY NAGLALAAN NG BUONG SARILI PARA SA PAGMAMALA-SAKIT SA MGA DUKHA AT KAPAKANAN NG KALIKASAN AT INTEGRIDAD NG LAHAT NG NILIKHA
NG DIYOS.

MISSION

TAYO AY MAMUMUHAY BILANG MGA BUHAY NA SAKSI NG MABUTING BALITA NG PAGMAMAHAL NG DIYOS.
SA PAGTATAGUYOD NG SAMBAYANAN NA MAPAYAPA AT MASIGLA NA MAY PAGKAKAPANTAY-PANTAY, MALA-GONG SAMAHAN, PAGKAKAISA, KALA-YAAN AT KABANALAN. ITATAGUYOD NATIN ANG SAMBAYANAN NG MGA DUKHA SA PAMAMAGITAN NG PAGPA-PAHALAGA SA BUHAY NG TAO AT LAHAT NG MAY BUHAY MAGBIBIGAY TAYO NG KAKAYAHAN SA MGA LAYKO AT KABATAAN SA PAGIGING KAISA NG MGA DUKHA.

I. Mga Bumubuo sa Parokya ni Maria Ina ng Sambayanan ng mga Dukha

1. Ang Parokya ng Maria, Ina ng Sambayanan ng mga Dukha ay binubuo ng:
a. Bilang ng Barangay: 10 (Quirino, Debucao, San Leonardo, Santa Lucia, Bagtu, Detailen., Suguit, Dialatnan, Diaman, Dikildit)
b. Bilang MSK: 34
c. Bilang ng mga kapilya: 9
d. Bilang ng Populasyon: 5000+ Catholics
e. Porsyento ng Kabataan sa Populasyon: 60%
f. Bilang ng MSK Workers: 2
g. Pangunahing Pinagkukunan ng Ikabubuhay ng mga Tao: Farming, SME, Overseas Workers, Government Employee

Mga kapilya:
Bagtu- San Jose Manggagawa
Debucao- St. Peter
Santa Lucia- Santa Lucia
San leonardo- Our Lady of Guadalupe
Dikildit- Nuestra Señora de Salvacion
Suguit- San Antonio de Padua
Diaman- Ina poon bato
Dialatnan- Our Lady of Fatima

2. Mga Komisyon, Ministries, Organizations and Movements:
a. Komisyon ng Pagdiriwang: Lektor at Commentator, Lingkod ng Dambana, Lingkod ng Eukaristiya, Lingkod ng Musika, Mother Butlers, Handog, Lingkod ng Liturhiya
b. Komisyon Paghubog: Katekista, Kabataan, Pamilya at Buhay, Bible Apostolate, DPSTS, Care for the Priest
c. Komisyon ng Paglilingkod: Womens Desk, Health Desk, IP Desk, Socio-Eco, Earth Ministry, JP Desk, Pol-Ed Desk
d. Komisyon ng Pamamahala: Finance Council, Parish Pastoral Council, Parish Office, Balik-Handog Program
e. Organizations and Movements: Knights of Columbus, Cursillo, Legion of Mary, Couples for Christ

II. Mga Hamong Kinakaharap

a. Ang Topograpiya: Malalayong barangay na hirap puntahan dahil sa ang humahati ay ang mga bundok at ang mga ilog. Makikita na ang mga tao ay nahihirapan din sa kanilang pamumuhay sa ganitong kalagayan. Resulta, hindi madalas mamisahan o madalaw lalo sa kalagayan ng mga panahon.
b. Mababang bilang ng nagsisimba: dahil sa napakaraming mga relihiyong hindi katoliko ang nakapalibot at marami ang pinipili kung ano ang mas malapit sa kanila. Resulta, ang koleksyon para tugunan ang pangangailangan at mga gawain sa parokya ay hindi husto pero pinipilit pagkasyahin sa awa at habag ng Diyos.
c. Mahirap na pagkukunan ng kabuhayan ng mga parishioners: ramdam naman ng lahat ang mga pagtaas ng presyo sa mga pangunahing bilihin. Tumataas ang bilihin, ngunit ang sahod ay nanatiling kapos. Madalas ay hindi nakakaipon ang mga tao. Resulta, ang mga tao ay mas pipiliin muna ang pangangailangan sa araw-araw na minsan ay nagreresulta sa pangungutang at minsan ay nasasadlak sa hindi tamang gawain para lamang magkapera.
d. Kawalang pakialam sa kalagayang pang-espiritwal: Marami sa mga tao ngayon ang pipiliin ang online mass kesa umattend ng misa. Pinipili rin na manatiling mabuhay sa online gamings at entertainment kaysa ang pagpunta sa gawaing inilalatag ng simbahan kagaya ng recollection, general assemblies at iba pa. Resulta, mababang kamalayan sa pananampalatayang katoliko na kanilang kinabibilangan.

III. May Hamon ngunit Hindi mawawalan ng Pag-asa

Ang layo ay hindi magiging hadlang dahil sa mga ministries at organisasyon na patuloy na naglilingkod at tumutulong sa layuning maipalaganap ang Mabuting Balita ng Kaligtasang ipinagkatiwala sa atin ni Jesus. Naniniwala ang mga lingkod na kahit saan sila magtungo "Kasama niyo ako"
', ani Jesus.
Hindi hadlang ang mababang bilang ng nagsisimba sa patuloy na paglalakbay ng simbahan dahil si Jesus mismo ang nagsabi
"KAPAG MAY DALAWA O TATLO NA NAGKAKATIPON SA AKING PANGALAN AKO AY NAROON" at ang sinasabi sa salmo "ANG PANGINOON ANG AKING PASTOL, HINDI AKO MAGKUKULANG.."
Hindi dapat matakot sa hamon ng buhay dahil sa kulang ang nasa hapag, dahil ang Diyos ay tumutugon at nagbibigay ng sapat para sa lahat, "NAGPAKAIN SIYA NG LIMANG-LIBONG BABAE AT KABATAAN SA ILANG". Hinintay lang tayo ni Jesus,
"LUMAPIT KAYO SA AKIN KAYONG NAPAPAGAL AT KAYO AY
AKING PAGIGINHAWAIN".
Marami sa atin ay nagtatanong sa pananampalataya kung tunay ba ito? Pumapasok ito sa isipan natin, kahit sino pa tayo. Natural lang yan, lalo at napakarami na nating naririnig at nakikita.
Madalas nga ang ating nagiging escape goat ay ang social media.
Marami mas pinipili ang convenience kesa ang essence. Mga kapatid, tayo ay tinawag ng Panginoon upang maging isa sa kanyang mga alagad. Dalawa lang naman ang sagot, tutugon ka ba o hindi? Magsimba, ito ang hinihingi ng Panginoon, "HINDI NYO BA AKO KAYANG SAMAHAN KAHIT ISANG ORAS MAN LANG?"
Ang tunay na pag-asa ay nasa ating piling. Sana tumugon tayo dahil nandito siya sa banal na tahanan at tayo ay inaanyayahan na sa lahat ng pagkakataon, malungkot at masaya, may problema o may katugunan—andito si Jesus sa Banal na Misa.
Sama-sama tayong maglakbay kasama ang bawat isa at tayo ay magtulungang makita si Jesus sa bawat natin nakakasalamuha.

Sigure kung lahat tayo ganito, tahimik at mapayapa ang mundo, walang away at walang gulo.

3-YEAR PLAN PASTORAL PLAN (2025-2028)

Tema: PMISDI SIMBAHANG SINODAL TUNGO SA PAGIGING GANAP NA SAMBAYANAN NG MGA DUKHA

Layunin Gawain Bunga
Higit na pagpapalalim na pananampalataya Misa, Debosyon, Novena, Mga Sakramenta May malalim na pananampalataya ang parokya
Patulay na pagbubue at pagpapatatag ng MSK Prelature Orientation (BOPI) Matatag na parayanan at parokya
Hubugin ang mga kabataan na makisangkot sa misyon ng simbahan Pagtatayo ng Youth Formation Center at Enrichment Programs Nakikisangkot na kabataan sa pagpapalago ng MSK
Patuloy na paghuhubog sa mga pamilya lalo na sa mag-asawahan Family and Life Programs at Paghubog sa pamilya Matatag na pamilyang Kristiyano
Makabuo ng livelihood programs sa mga MSK Livelihood Trainings MSK may kabuhayan
Maisayos ang bahay-dalanginan Pagpapagawa ng bagong bubong at kisame ng simbahan at façade Maayos at kaaya-ayang bahay-dalanginan
Ang Kamalaysayan

The people beside the moments that shaped PMISD.

When a priest or bishop is mentioned in a historical entry, the corresponding clergy photograph is shown beside that same part of the timeline.

1993

Pagkakatatag at pag-oorganisa ng Riverside

Ang pagkakatatag ng Parokya ni Maria Ina ng Sambayanan ng mga Dukha ay nagsimula taong 1993 sa pag oorganisa ni Fr. Edwin Agapay, kasalukuyang kura paroko ng San Vicente Ferrer ayon sa source document. Sa paggabay ni Fr. Edwin, inorganisa niya ang Munting Sambayanang Kristyano ng Riverside na kinabibilangan ng Debucao, Quirino, Bagtu, Dikildit, Detailen, Sta. Lucia, San Leonardo at Diaman.

Fr. Edwin Agapay
Priest Fr. Edwin Agapay
1996

Unang paring lingkod ng Quirino

Taong 1996, itinilaga bilang kauna unahang paring lingkod ng Quirino si Fr. Marianito “Mar” B. Ortiz. Siya ay nakipamuhay at nagpursige upang tipunin ang mananampalataya ng Riverside. Ang patron na si Maria Ina ng Buhay ay tinawag na Maria Ina ng Sambayanan ng mga Dukha. Ang Brgy. Quirino ang siyang ginawang sentro ng parokya. Sa panahon ni Fr. Mar unang itinayo ang kumbento, nagkaroon din ng regular na misa sa parokya at sa mga MSK na nasasakupan nito. Sinimulan din ang pag-oorganisa ng Munting Sambayanang Kristiyano o MSK na siyang sumuporta upang matapos ang kumbento.

Fr. Marianito B. Ortiz
Priest Fr. Marianito B. Ortiz
1999

Pagpapatuloy ng mga programa ng MSK

Taong 1999, dumating si Fr. Rico Nobleza para magsilbi bilang paring lingkod ng Quirino kapalit ni Fr. Mar. Ipinagpatuloy niya ang mga nasimulang programa ng MSK, ginanap ang DPSTS bilang unang Prelature-wide activity sa Quirino. Bumuo din si Fr. Rico ng Choir at sinimulan palakihin ang simbahan.

Fr. Rico Nobleza
Priest Fr. Rico Nobleza
2001

Parish records at Parish Pastoral Council

Taong 2001 ipinagpatuloy nina Fr. Nilvon Villanueva at Fr. Edwin Agapay ang paninilbihan at inayos nila ang record ng parokya at binuo ang pamunuan ng Parish Pastoral Council.

Fr. Nilvon Villanueva
Priest Fr. Nilvon Villanueva
Fr. Edwin Agapay
Priest Fr. Edwin Agapay
2001

Muling pagsigla ng mga organisasyon at ministries

Taong 2001, si Fr. Antonio “Toneh” Evangelio ay dumating sa parokya bilang kahalili ni Fr. Rico at muling binuhay ang sigla ng bawat organisasyon at ministries tulad ng Kabataan, Family and Life, Lingkod ng Panalangin at Knight of Columbus. Nasimulan din ang malikhaing liturhiya lalo na sa malalaking pagdiriwang.

Fr. Antonio Evangelio
Priest Fr. Antonio Evangelio
Pebrero 22, 2004

Pagbasbas sa altar at simbahan

Pebrero 22, 2004, binasbasan ni Obispo Rolando Tria Tirona ang altar at simbahan, kasabay ng pagtatalaga kay Fr. Andres Lumasac bilang bagong paring lingkod ng PMISD. Ipinagpatuloy niya ang pagsasa-ayos ng kumbento at simbahan at nakapagpa-aral ng katekista sa PCI at nagdagdagan ang mga MSK workers.

Fr. Andres Lumasac
Priest Fr. Andres Lumasac
2006

Regular na Misa sa bawat MSK

Taong 2006, itinalaga si Fr. Nilvon bilang administrator ng parokya, katuwang si Fr. Froilan Rivera at Fr. Noel Valencia at muli nanumbalik ang sigla ng bawat ministry at nagkaroon ng regular na Misa sa bawat MSK.

Fr. Noel Valencia
Priest Fr. Noel Valencia
2008

Pagpapatuloy ng programa sa mga MSK

Taong 2008, dumating si Fr. Erlito “Erlo” Poblete bilang paring lingkod at ipinagpatuloy niya ang programa ng parokya sa mga MSK. Naging regular ang pagdiriwang ng Misa sa mga cluster ng Debucao, Bagtu at Dikildit. Nagkaroon na rin ng mga sentrong tao sa pagdiriwang, pamamahala, paglilingkod at paghubog.

Fr. Erlito Poblete
Priest Fr. Erlito Poblete
2009–2015

Franciscan Our Lady of the Poor (FLP)

Taong 2009 hanggang 2015, nagsimulang makipamuhay ang Kongregasyon ng Franciscan Our Lady of the Poor (FLP) sa pamamatnubay ni Fr. Nilvon Villanueva. Tiniyak ng kongregasyon na patuloy ang magandang pamamalakad na sinimulan ng kaparian ng Prelatura ng Infanta upang patuloy ang pagtugon sa mga gawaing pamparokya na may kababaang loob.

Fr. Nilvon Villanueva
Priest Fr. Nilvon Villanueva
2016

Pagtatalaga kay Fr. Joselito Cruz, FLP

Taong 2016, itinalaga ni Bishop Bernardino Cortez si Fr. Joselito Cruz, FLP. Siya ang kaunaunahang pari na itinalaga ng mahal na Obispo mula sa Kongregasyon ng FLP ayon sa source document. Pinaganda ni Fr. Lito ang altar ng simbahan at patuloy ang regular na misa sa bawat MSK sa loob ng anim na taon.

Fr. Joselito D. Cruz FLP
Priest Fr. Joselito D. Cruz FLP
Enero — source document (2022)

Pagtatalaga kay Fr. Arnel M. Riofrio, FLP

Ang source document ay nagsasaad: “Enero ng Taong kasalukyan,” itinilaga ang pangalawang pari mula sa Kongregasyon ng FLP sa katauhan ni Fr. Arnel M. Riofrio. Inilalarawan ng source ang hangarin na muling manumbalik ang sigla ng bawat isa upang maglingkod sa simbahan bilang mabubuting katiwala, at ang pagiging aktibo ng mga ministry, organisasyon at MSK sa paghubog at pagdiriwang. Ang entry na ito ay pinanatiling source-relative at hindi ipinapalagay na tumutukoy sa kasalukuyang taon 2026.

Fr. Arnel Riofrio FLP
Priest Fr. Arnel Riofrio FLP
Source context: the supplied parish history file is labeled 2022. Its final entry uses “Enero ng Taong kasalukyan.” The page preserves that entry as source-relative history rather than treating it as a current-office statement for 2026.
Munting Sambayanang Kristiyano

Parish life in the MSK communities.

View MSK Directory
  • MSK Community

    Bagto

    Patron: San Jose Manggagawa
    Visit community